2025
Itsura
| Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
| Dekada: | Dekada 1990 Dekada 2000 Dekada 2010 - Dekada 2020 - Dekada 2030 Dekada 2040 Dekada 2050 |
| Taon: | 2022 2023 2024 - 2025 - 2026 2027 2028 |
Ang 2025 (MMXXV) ay ang isang karaniwang taon na magsisimula sa Miyerkules sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2025 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-25 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-25 taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-6 na taon ng dekada 2020.
Mga panyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 1
- Nakumpleto ng Bulgarya at Rumanya ang proseseo sa pagsali sa Lugar na Schengen, na tinanggal ang mga kontrol sa lupang hangganan.[1]
- Naging ika-37 bansa ang Liechtenstein na gawing legal ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[2]
- Tinigil ng Ukranya ang transportasyon ng panustos na gas na Ruso sa boung bansa, kasunod ng pagpaso ng isang limang-taong kasunduan ng paghahatid at naging isang partidong estado sa Internasyunal na Korteng Pangkrimen.[3][4]
- Pumasok na pampublikong dominyo sa Estados Unidos ang nobelang A Farewell to Arms at ang mga karakter sa kartun na sina Popeye at Tintin.[5]
- Enero 4 – Simula ng pang-estadong paglilibing kayng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Jimmy Carter na nagtagal hanggang Enero 9.
- Enero 20 – Nanumpa si Donald Trump bilang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos sa ikalawang pagkakataon at si JD Vance bilang ika-50 Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos.
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 15 – Si Mahamoud Ali Youssouf ay nahalal bilang tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Aprikano.[6]
- Pebrero 17 – Ang mga protesta sa Indonesya noong 2025: Isang serye ng nagpapatuloy na mga demonstrasyon sa buong bansa ang isinagawa kasunod ng pagpapatupad ng isang batas na nagpapalawak ng paglahok ng militar sa mga tungkulin sa sibilyang pamahalaan.[7]
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 2 – Dinaos ang ika-97 na Academy Awards o Oscars sa Hollywood, Los Angeles.
- Marso 11 – Naaresto ang dating pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Interpol sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa Kalakhang Maynila pagkatapos hainan ng mandamyento ng pag-aresto mula sa Internasyunal na Korteng Pangkrimen pagdating galing Hong Kong.[8] Inilipat kalaunan si Duterte at ini-ekstradisyon sa Ang Haya, Olanda sa isang lipad na naka-tsarter na inareglo ng pamahalaang Pilipinas.
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 2 – Si Pangulo Donald Trump ng Estados Unidos ay nagpatupad ng malawakang mga taripa sa kalakalan laban sa maraming bansa, kabilang ang batayang taripa na 10% para sa lahat ng inaangkat.[9][10]
- Abril 4 – Ang pagsasakdal kay Yoon Suk Yeol: Nagkaisang pinagtibay ng Korte Konstitusyonal ng Korea ang impeachment ni Yoon sa botong 8–0, na opisyal na nag-alis sa kanya sa tungkulin.[11]
- Abril 21 – Si Papa Francisco, ang pinuno ng Simbahang Katolika mula pa noong 2013, ay pumanaw sa edad na 88. Nagbigay-pugay ang mga pinuno ng mundo. Maraming bansa ang nagdeklara ng pambansang pagluluksa.[12][13]
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 7–8 – Kongklabe 2025: Pinili ng 133 kardinal na elektor si Robert Francis Prevost bilang kahalili ni Papa Francisco sa ikaapat na balota. Kinuha niya ang pangalang Leon XIV, at naging unang papa mula sa Hilagang Amerika, ang una na may pagkamamamayang Peruano o Amerikano, at ang una mula sa Orden ni Agustin ng Hipona.[14]
- Mayo 12 – Pangkalahatang halalan sa Pilipinas ng 2025: Ang namamyaning alyansa na Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay nanalo ng makitid na mayorya ng mga puwesto sa Senado, habang ang isa sa mga kasaping partido nito, ang Lakas–CMD, ay nakakuha ng pinakamaraming puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan.[15][16]
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 3 – Halalang pampanguluhan sa Timog Korea ng 2025: Matapos isulong nang mas maaga bunga ng pagsasakdal kay Yoon Suk Yeol, nanalo sa halalan si Lee Jae Myung at tinalo si Kim Moon-soo.[17]
- Hunyo 6 – Mga protesta sa Los Angeles noong Hunyo 2025: Sumiklab ang mga demonstrasyon sa Los Angeles bilang tugon sa mga pag-aresto at deportasyon ng Immigration and Customs Enforcement (ICE, literal bilang Pagpapatupad ng Batas sa Imigrasyon at Adwana) laban sa mga ilegal na imigrante.
- Hunyo 14 – Ang mga protestang "No Kings" (Walang Hari) ay naganap sa maraming lungsod sa Estados Unidos, gayundin sa Kanada, Europa, Hapon, at Mehiko, laban kay Donald Trump.[18][19]
- Hunyo 16–17 – Idinaos ang ika-51 na pulong ng G7 sa Kananaskis, Kanada.[20]
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 1 – Krisis pampolitika sa Taylandiya ng 2025: Sinuspinde ng Korte Konstitusyonal ng Taylandiya si Punong Ministro Paetongtarn Shinawatra mula sa tungkulin habang nakabinbin ang kasong naglalayong patalsikin siya.[21]
- Hulyo 28 – Sa kanyang ikaapat na Talumpati sa Kalagayan ng Bansa, inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang korapsyon sa mga proyektong pagpigil sa baha.[22]
- Hulyo 30 – Isang lindol na may lakas na Mw 8.8 ang tumama sa may baybayin ng Tangway ng Kamchatka ng Rusya, na nagbunsod ng mga babala ng tsunami sa Hapon at Hawaii.[23]
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto 7 – Nailabas ng OpenAI ang GPT-5 na modelo nito.[24]
- Agosto 11 – Inihayag ng Alkalde ng Pasig na si Vico Sotto na konektado ang pamilyang Discaya sa mga anomalayang proyektong pampagil sa baha sa Pilipinas.[25][26] Si Sarah Discaya ay tumakbong laban kay Sotto noong eleksyong lokal ng 2025 subalit natalo.
- Agosto 21 – Inihayag ni Alkalde Vico Sotto ng Pasig sa kanyang Facebook na diumano’y binayaran ang mga panayam kay Discaya.[27][28] Bagaman hindi niya direktang binanggit ang pangalan ng mga mamamahayag, naglagay si Sotto ng larawan sa kanyang paskil na makikita ang mag-asawang Discaya kasama sina Julius Babao at Korina Sanchez. Itinanggi ng mga mamamahayag ang paratang.
- Agosto 30 – Krisis pampolitika sa Taylandiya ng 2025: Inalis ng Korte Konstitusyonal ng Taylandiya si Punong Ministro Paetongtarn Shinawatra sa tungkulin dahil sa paglabag sa etika kaugnay ng mga na-leak o nailabas na tawag sa telepono niya kay dating Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.[29][30]
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 8 – Sumiklab ang malawakang mga protesta laban sa pamahalaan sa Nepal, na nagresulta sa hindi bababa sa 22 na nasawi at daan-daang sugatan. Nagbitiw sa puwesto si Punong Ministro K. P. Sharma Oli kinabukasan sa gitna ng mga demonstrasyon.[31]
- Setyembre 9
- Binuksan ang ika-80 sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Lungsod ng New York, Estados Unidos.
- Inatake ng Israel ang pamunuan ng Hamas sa Doha, Qatar.
- Setyembre 21
- Inihayag ng Reyno Unido, Kanada, at Australya ang kanilang pormal na pagkilala sa Palestina bilang isang soberanong estado, at ginawa rin ito ng Pransya kinabukasan.[32][33]
- Libu-libong mga nagpoprotesta sa buong Pilipinas ang nagtipon sa Dambanang EDSA sa Lungsod Quezon para sa Trillion Peso March (Martsang Trilyong Piso) at sa Liwasang Luneta sa Maynila para sa mga demonstrasyon ng "Baha sa Luneta", upang manawagan ng pananagutan mula sa gobyerno hinggil sa sinasabing katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura at pampigil sa baha.[34][35]
- Setyembre 30 – Isang lindol na may magnitud na Mw 6.9 ang yumanig sa pulo ng Cebu sa Pilipinas, na nag-iwan ng 71 patay at 559 na sugatan.[36]
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 10
- Si Dina Boluarte, Pangulo ng Peru, ay nasakdal nang walang tutol mula sa Kongreso ng Republika.[37]
- Isang kambal na lindol na binubuo ng dalawang kaganapang may lakas na Mw 7.4 at 6.7–6.8 ang tumama sa silangang bahagi ng Mindanao sa Pilipinas.[38]
- Oktubre 14 – Itinigil ng Microsoft ang suporta para sa Windows 10, na inilunsad noong 2015.[39]
- Oktubre 21 – Naging kauna-unahang babaeng Punong Ministro ng Hapon si Sanae Takaichi.[40]
- Oktubre 26 – Naging ika-11 na kasaping estado ng ASEAN ang Timor-Leste, na siyang kauna-unahang pagpapalawak ng ASEAN mula noong pagsali ng Kambodya noong 1999 at kumpleto na ang lahat ng bansa sa Timog-silangang Asya.
- Oktubre 28 – Opisyal na ipinasa ng Malaysia ang pamumuno sa ASEAN sa Pilipinas sa susunod na taon, kung saan tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang simbolikong martilyo mula kay Punong Ministro ng Malaysia na si Anwar Ibrahim habang naghahanda ang Maynila na pangunahan ang samahang panrehiyon sa 2026.[41]
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 4 – Ang Bagyong Tino (internasyunal na pangalan: Kalmaegi) ay nag-iwan ng mahigit 288 katao na nasawi sa Pilipinas, Biyetnam, at Taylandiya.[42][43][44]
- Nobyembre 13 – Namatay ang dating Pangulo ng Senado ng Pilipinas at Punong Tagapayo sa Batas ng Pangulo na si Juan Ponce Enrile sa edad na 101.[45]
- Nobyembre 25 – Ipinapakita sa isang ulat ng Mga Nagkakaisang Bansa na nalampasan na ng kabisera ng Indonesya na Jakarta ang kabisera ng Hapon na Tokyo bilang pinakamalaking lungsod sa mundo, na may populasyon na 42 milyong tao.[46]
- Nobyembre 27–30 – Idinaos ang isang ekumenikal na pagpupulong ng Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Katolika sa Nicea upang gunitain ang ika-1,700 anibersaryo ng Unang Konsilyo ng Nicea.[47]
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 8 – Isang lindol na may lakas na Mw 7.6 ang tumama sa Karagatang Pasipiko sa baybayin ng Prepektura ng Aomori sa Hapon, na nagbunsod ng tsunami na umabot sa taas na 70 sentimetro.[48][49]
- Disyembre 14 – Hindi bababa sa 16 na katao ang napatay at 43 ang nasugatan sa isang pamamaril nang maramihan, na ikinategorya bilang isang pag-atakeng terorista, na isinagawa ng dalawang armadong lalaki sa Aplayang Bondi sa Sydney, Australya habang may pagdiriwang para sa pagsisimula ng pistang Hudyo na Hanukkah.[50]
- Disyembre 20 – Naging kauna-unahang gumagamit ng wheelchair o silyang de-gulong na nakapaglakbay sa kalawakan ang inhinyerong Aleman na si Michaela Benthaus, sakay ng Blue Origin NS-37.[51]
- Disyembre 26 – Naging unang bansa ang Israel na kumilala sa Somaliland.[52]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Borders open: Bulgaria and Romania celebrate joining Schengen Area". Euronews (sa wikang Ingles). 1 January 2025. Nakuha noong 1 Enero 2025.
- ↑ "Liechtenstein legalizes same-sex marriage in near-unanimous vote". Politico. 17 Mayo 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 1, 2025. Nakuha noong 1 Enero 2025.
- ↑ "Russian gas supply to Europe via Ukraine halted after transit deal expires" (sa wikang Ingles). Al Jazeera. Nakuha noong 1 Enero 2025.
- ↑ "Ukraine becomes ICC member state". Ukrinform (sa wikang Ingles). 2025-01-01. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 1, 2025. Nakuha noong 2025-01-01.
- ↑ Kreps, Daniel (2025-01-01). "Popeye, 'The Skeleton Dance,' and 'Singin' in the Rain' Enter the Public Domain". Rolling Stone (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-01-03.
- ↑ Djibouti's foreign minister elected to top African Union post Reuters (sa Ingles)
- ↑ Syarifudin, Taufiq (17 Pebrero 2025). "Massa Mahasiswa Aksi Indonesia Gelap di Patung Kuda Terus Bertambah" [Mass of 'Dark Indonesia' Action Students at the Horse Statue Continues to Grow]. Detikcom (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2025. Nakuha noong 17 Pebrero 2025.
- ↑ Esguerra, Darryl John (Marso 11, 2025). "ICC warrant served: Palace says Duterte now under police custody". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 11, 2025.
- ↑ Al Jazeera Staff. "Five key takeaways from Trump's 'Liberation Day' reciprocal tariffs" (sa wikang Ingles). Al Jazeera English. Nakuha noong 2025-04-03.
- ↑ "Trump tariffs list: The US global tariffs plan at a glance" (sa wikang Ingles). BBC News. 2025-04-03. Nakuha noong 2025-04-03.
- ↑ Service (KOCIS), Korean Culture and Information. "Court upholds impeachment motion against President Yoon : Korea.net : The official website of the Republic of Korea". korea.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-04-04.
- ↑ "Pope Francis dies aged 88" (sa wikang Ingles). BBC News. 21 Abril 2025. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ "Żałoba po śmierci papieża. Te kraje oddadzą hołd Franciszkowi" (sa wikang Polako). TVP. 23 Abril 2025. Nakuha noong 27 Abril 2025.
- ↑ Yee, Curtis; Kratovac, Katarina; Warren, Michael, mga pat. (8 Mayo 2025). "Live updates: Robert Prevost of the United States is named Pope Leo XIV". Associated Press News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Aurelio, Julie M.; cbuban (2025-05-13). "Marcos talks unity with only 6 Alyansa Senate bets poised to win". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-05-15.
- ↑ Lalu, Gabriel Pabico (2025-05-13). "Lakas-CMD retains dominance in the House with 104 bets winning". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-05-14.
- ↑ Yeung, Jessie; Seo, YoonJung; Bae, Gawon; Valerio, Mike; Kent, Lauren (Hunyo 4, 2025). "South Korea's opposition leader Lee wins election as voters punish conservatives after martial law chaos" (sa wikang Ingles). Seoul, TImog Korea: CNN. Nakuha noong Agosto 27, 2025.
- ↑ "Mexico and Canada Unite with US, Japan, Germany, Colombia, Italy, Portugal, Spain and Many More Countries in Supporting No Kings Protest and it Becomes Global, How Travel Gets Impact This Weekend - Travel And Tour World" (sa wikang Ingles). 2025-06-14. Nakuha noong 2025-06-20.
- ↑ Staff, Verge (2025-06-15). "No Kings: protests in the eye of the storm". The Verge (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-20.
- ↑ "G7 leaders gather in Canada amid Mideast crisis, tariff woes". France 24. June 16, 2025. Nakuha noong 29 August 2025.
- ↑ Saksornchai | AP, Jintamas (2025-07-01). "Court suspends Thailand's Prime Minister Paetongtarn Shinawatra to investigate leaked phone call". The Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2025-07-01.
- ↑ "Philippine president calls out corruption in flood control projects". Eco-Business (sa wikang Ingles). Hulyo 29, 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong August 4, 2025. Nakuha noong Agosto 21, 2025.
- ↑ "Powerful quake in Russia's Far East causes tsunami, Japan and Hawaii order evacuations". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hulyo 2025.
- ↑ Milmo, Dan (Agosto 7, 2025). "OpenAI says latest ChatGPT upgrade is big step forward but still can't do humans' jobs". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Agosto 2025.
- ↑ Garcia, Patrick (2025-08-11). "Mayor Vico calls out Discayas for their connection to flood control projects". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ Malasig, Jeline (2025-08-11). "Vico Sotto links Discayas to top flood control contractors". Interaksyon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ Garcia, Nick (Agosto 22, 2025). "Vico Sotto alleges Discayas' interviews with Korina Sanchez, Julius Babao were paid; journalists deny claim". Philstar Life. Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ Argosino, Faith (2025-08-22). "Korina Sanchez on Vico Sotto's post: We don't do 'hit' pieces". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ "Thai court removes Prime Minister Paetongtarn Shinawatra from office". Al Jazeera (sa wikang Ingles). 29 Agosto 2025. Nakuha noong 29 Agosto 2025.
- ↑ "Thailand PM Paetongtarn Shinawatra sacked over Cambodia call". Deutsche Welle (sa wikang Ingles). 29 Agosto 2025. Nakuha noong 29 Agosto 2025.
- ↑ Mohamed, Edna. "Nepal protests updates: PM Oli resigns, parliament torched, airport shut". Al Jazeera (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Setyembre 2025.
- ↑ "UK, Canada and Australia announce formal recognition of Palestinian state". BBC News (sa wikang Ingles). 2025-09-21. Nakuha noong 2025-09-21.
- ↑ "France becomes latest nation to recognise Palestinian state". BBC News (sa wikang Ingles). 2025-09-22. Nakuha noong 2025-09-23.
- ↑ Chi, Cristina (Setyembre 15, 2025). "What to Know: September 21 anti-corruption rallies at Luneta, EDSA". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 21, 2025. Nakuha noong Setyembre 18, 2025.
- ↑ Ratcliffe, Rebecca (Setyembre 21, 2025). "Protesters Flood Streets of Philippines Over State Corruption". The Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 22, 2025. Nakuha noong Setyembre 21, 2025.
- ↑ "From earthquake to typhoons: Philippines struggles against relentless catastrophes | IFRC". www.ifrc.org (sa wikang Ingles). 2025-11-10. Nakuha noong 2026-02-13.
- ↑ Aquino, Marco; Morland, Sarah (Oktubre 10, 2025). "Peru Congress ousts president, successor vows 'war on crime'". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 10, 2025.
- ↑ "At least seven killed after two powerful quakes strike southern Philippines". Al Jazeera (sa wikang Ingles). Oktubre 10, 2025. Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ "Windows 10 support has ended on October 14, 2025". Microsoft Support (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2025. Nakuha noong 14 Oktubre 2025.
- ↑ "Sanae Takaichi makes history as Japan's first female prime minister". BBC News (sa wikang Ingles). 2025-10-21. Nakuha noong 2025-10-21.
- ↑ Cabalza, Dexter (2025-10-28). "Malaysia hands over Asean chairmanship to Philippines". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ "Typhoon Kalmaegi brings rain and destruction to Vietnam as death toll nears 200 in Philippines". Reuters (sa wikang Ingles). 2025-11-07. Nakuha noong 2025-11-07.
- ↑ "5 người chết, hơn 2.600 nhà hư hỏng do bão Kalmaegi". VnExpress (sa wikang Biyetnames). 2025-11-07. Nakuha noong 2025-11-07.
- ↑ "Heavy flooding affects 15 provinces of Thailand leaving 13 dead". Sott (sa wikang Ingles). 2025-11-07. Nakuha noong 2025-11-07.
- ↑ Gomez, Jim (2025-11-13). "Juan Ponce Enrile, architect of Philippine martial law era who helped oust Marcos, dies at 101". AP News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-02-11.
- ↑ Ganglani, Jay (2025-11-25). "Move aside Tokyo, the world has a new largest city". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-25.
- ↑ "Pope Leo XIV begins Turkiye visit with prayers and unity message". Al Jazeera (sa wikang Ingles). 2025-11-28. Nakuha noong 2025-12-18.
- ↑ ANSS. "M 7.6 - 2025 Aomori Prefecture, Japan Earthquake 2025". Comprehensive Catalog. U.S. Geological Survey.
- ↑ Yamaguchi, Mari (8 Disyembre 2025). "Magnitude 7.5 quake in northern Japan injures 23 people and triggers a tsunami" (sa wikang Ingles). ABC News. Nakuha noong 10 Disyembre 2025.
- ↑ "'I have no husband': Victims named after 16 killed in Bondi shooting". NZ Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-12-14.
- ↑ "Engineer becomes first wheelchair user to go to space". BBC News (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2025. Nakuha noong 20 Disyembre 2025.
- ↑ "Israel becomes first country to formally recognise Somaliland as independent state". Reuters. 26 Disyembre 2025. Nakuha noong 26 Disyembre 2025.